Biyernes, Pebrero 3, 2017

kasintahan o pamilya?

Carmela Matildo ; Argumentatibong teksto

Kasintahan o Pamilya?

Para sa akin ang pipiliin ko ay ang pamilya dahil ang pamilya ay hindi matutumbasan ng kahit anong kayamanan. Sila ang karamay at sandigan mo sa oras ng pangaingalangan. Sa aking obserbahan sa panahon ngayon maraming kabataan na ipinagpapalit lang nila ang pamilya sa kasintahan kasi akala nila mas importante ang kasinahan kaysa sa pamilya hindi nila lubusang nauunawaan ang halaga ng pamilya dahil lagi nilang iniisip na hindi sila naiintindihan ng kanilang pamilya kaya sa kasintahan sila lumalapit at sa nakikita ko sa tuwing binibigo sila ng kanilang kasintahan pamilya pa rin ang kanilang inuuwian. Sa aking opinion mas mahalaga ang pamilya, dahl kahit ilang beses ka pang madapa at mabigo andyan pa rin sila para tanggapin ka ng buo at bigyan ka ulit ng pag-asa. Pero ang kasintahan kapag alam nilang walang wala kana at nakuha na nila ang gusto nila iiwan kalang basta-basta. Kaya para sa akin mas mahalaga ang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento