Biyernes, Pebrero 3, 2017

Pamilya

Carmela Matildo : Naratibong teksto

Pamilya

Ang pamilya ay sandigan mo sa lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na sobrang importante higit sa lahat. Ako ay isang taong may Masaya at kumpletong pamilya, para saakin sila ang pinakamagandang regalo na binigay saakin ng panginoon na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay. Sila ang karamay at sandigan ko sa lahat ng bagay, kaya sobra akong nagpapasalamat sa panginoon dahil sila ang nagging pamilya ko at kahit nikatiting wala akong pinagsisihan. Noon kami ay lagging nagkakasam lalo na sa pagkain, kami ay lagging Masaya dahil ang papa at mga kapatid ko ay mahilig magpatawa hindi kami masyadong nag aalala sa pinansiyal, lagi kaming nagsisimba tuwing sabado at walang ibang bisyo ang mga magulang ko kung hindi ay alagaan, mahalin at pag aralin kaming apat na magkakapatid at higit sa lahat nabibigay nila lahat ng gusto naming noon kaya talagang masasabi ko na hindi sila nagkulang saamin noon lalo na sa pagmamahal. Lumipas ang ilang taon, buwan at araw, hindi namin namamalayan na nalulong nap ala sa masamng barkada ang panganay kong kapatid, hindi na siya lagging pumapasok sa paaralan, gumagamit na siya ng ipinagbabawal na gamot, ninanakawan na niya ng pera ang mga magulang ko, at sa nakikita ko hindi na siya nagging mabuting anak. Hanggang sa dumating sa  punto na naghirap na kami, nagkaproblema na kami sa pinansiyal at higit sa lahat nawala na ang dating Masaya at buong pamilya dahil sa panahong iyon napag desisyonan nang magulang ko na duon na sila sa sasa davao city magtayo ng tindahan dahil mas maraming tao at nandoon din ang mga kamag-anak ko kaya doon tumira ang mama at papa ko. Ang panganay ko naming kapatid ay maagang nakabuntis dahil sa mga kabulastugan niya kaya doon narin siya tumira sa mama at papa ko at ang isa ko naming kuya ay nag aaral sa digos city kaya minsan lang siyang umuwi ditto at ang bunso ko naming kapatid na babae at ang asawa ng kuya ko ay kasama ko ditto sa bahay. Minsan ko lang makakasama ang mama at papa ko sa tuwing maghahatid lang sila ng pera at mga pagkain para sa pang araw-araw naming. Sa simula napakahirap tanggapin at dumating din sa puntong iyon na nagtanim ako ng galit sa kuya ko dahil sa kanaya ko isinisisi ang lahat ng pangyayari, yung hindi ko na siya ginagalang at lagi kaming nag-aaway peru ang masama pa roon ay yung sinumpa ko siya sa harap niya mamatay na lang siya dahil wala siyang kwentang tao at doon nakita ko sa mga mata niya ang bawat pagpatak ng kanyang luha, dinurog yung puso ko habang nakikita siyang napaluha. Lumipas ang ilang taon unti unti narin kaming nakabangon, nagbago na yung panaganay kong kapatid at bumalik na rin kami sa masayang pamilya peru ang sitwasyon naming ganon parin magkalayo sa isat isa at minsan lang nabubuo at magkikita peru kahit ganun sobra paring kaming nagpapasalamat sa panginoon dahil kahit malayo man kami sa isat isa ang pagmamahalan ng bawat isa ay nakatatak pa rin sa puso at habang buhay madarama.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento