Biyernes, Pebrero 3, 2017

Pantay na pagtrato

Sandra Carreon : Argumentatibong teksto

Pantay na pagtrato
Hindi naman sa lahat ng bagay perpekto ang isang tao. Kadalasan nagkakamali tayo. May mga katangian kasi ang bawat indibidwal kung saan mararanasan ang takot, kaba, at minsan naman ay saya. Hindi nman sa lahat ng pagkakataon ay Masaya ka, kasi hindi makukumpleto ang buhay kung walang problema.
TRATO, sa tuwing naririnig ko ang salitang pagtrato parang sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit kapag naririnig ko ang salitang ito naaalala ko kung paano niya ako itrato. Kailangan ba sa lahat ng bagay maging perpekto? Hindi naman diba lagi ko ngang iniisip kong paano maging perpekto. Peru gaya nga ng sabi ng iba magpakatotoo ka lang. Peru para sa kanya mali lahat ang ginagawa ko. Parang pabor lang parati sa kanya yung pinsan ko. Pantay ba ang pagtawag dun? Susuko naba ako? Hindi dahil may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng pagkakataon. Isang pagkakataon na kayang baguhin ang nakaraan.

Kaya kong iisipin mo dapat pantay lamang ang pagtrato sa bawat taong mahalaga sayo nang hindi sila mawala sayo. Huwag kang magpabaya dahil sa isang pagkakamali sapagkat tao lang tayo hindi tayo diyos. Kahit diyos nga nagkakamali ikaw pa na isang tao lang na ginawa niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento