jhanna Ibarra
Naratibong teksto :
Kaibigan
Kaibigan ay ang aking sandigan. Sila ang aking malalapitan sa tuwing ako ay may mga problema. Nandiyan sila upang mapasaya ka, gabayan ka sa iyong ginagawang desisyon at higit sa lahat nandiyan sila upang maitama ang iyong mga maling nagawa. Hindi ko kayang mabuhay ng walang kaibigan, yung sa pakiramdam mo palagi ka nalang mag-isa kung may problema ka sa pamilya mo wala kang masasabihan at malalapitan, yung wala kang kasabay gumala, at higit sa lahat wala kang masasabihan ng iyong mga sekreto.
Katulad nalang nang aking mga kaibigan sila ang nagpapasaya saakin dahil, kung wala sila wala akong kasiyahan. Sa bawat alaala na aming nabubuo at sa bawat araw na kami ay nagkakasama. Isa sa pinakamasayang alaala na nangyari saaking buhay ay iyong namasyal kami sa Arakan sa may Cotabato. Napakasaya at hindi malilimutang alaala na kasama ko ang aking mga kaibigan.
Noong araw na iyon ang araw na masasaya kaming magkakasama nagsasaya kahit marami kaming problema. Napakaganda ng mga tanawin at kulay berde na mga puno at bundok. Napakaganda at napakalamig ng ilog na aming napuntahan. Nakakita kami ng strawberry at kahit sa madadaanan mo pa lang ay napakaganda na ng mga tanawin. Kaya masasabi ko talaga na napakamalikhain nang panginoon dahil sa kanyang ibat ibang likha na mga lugar. Kahit saan kaman magpunta kahit magkahiwa-hiwalay man kami nang aking mga kaibigan ngunit ang mga alaala ay hindi mabubura sa aming puso at isipan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento