Paano magluto ng Tinolang Manok?
Madali lang lutuin ang Tinolang Manok. Eto ang isa sa simpleng paraan kung paano.
Mga sangkap:
– manok
– luya (at bawang sa iba pero hindi ko na nilalagyan dahil minsan pumapait kapag nasunog mo yung bawang)
– sayote o papaya, dahon ng sili o dahon ng malunggay
– patis
– luya (at bawang sa iba pero hindi ko na nilalagyan dahil minsan pumapait kapag nasunog mo yung bawang)
– sayote o papaya, dahon ng sili o dahon ng malunggay
– patis
Paano lutuin ang Tinolang Manok:
1. Igisa ang luya (at bawang) kasama na ang manok. Isangkutsa ang manok hanggang mamuti ang laman ng manok.
2. Kapag sa tantya mo ay nasangkutsa (nagisa) mo na ang manok, maglagay ng 3 kutsarang patis. Haluin muli.
3. Maglagay na ng tubig na magsisilbing sabaw ng tinola. Ilagay na rin kasama ang pang sahog na gulay (sayote o papaya). Pakuluan.
4. Kapag kumulo na ang sabaw, tignan kung tama na ang lambot ng sayote o papaya para sa iyo.
5. Tikman ang sabaw, kung kulang pa sa lasa. Dagdagan mo lang ng patis. At ilagay na rin ang dahon ng sili o ng malunggay.
6. Handa na ang tinaolang manok at pwedi ng hainin at kainin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento